Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mas may ‘K’ si Gen Eleazar

0 171

Ang dami na ng bakuna kontra COVID na dumating sa Pilipinas pumalo na sa mahigit 91.3M ayon sa National Task Force.

Sa kabuuan naman ay nasa mahigit 51M na ang nabakunahan.

Pero sa dami ng bakuna nakapagtatakang ang bagal ng bakuna rollout sa ilang probinsya, gaya lamang sa Zambales.

Dapat tutukan ito ng mga Regional heads para mas marami na ang mabakunahan at maging ligtas sa bagsik ng COVID ang mga nasa probinsya.

Aanhin ang sandamakmak na bakuna kung hindi ituturok, maliban na lamang kung gagamiting propaganda ng ilang nakaupo ang vaccination program na ito ng gobyerno!

***

Sobrang naging fan na yata ako ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar dahil sa matinong pagtupad niya sa kanyang tungkulin saan man siya mapadpad.

Kaya suportado ko ang grupong nagsusulong na tumakbong senador si Gen. Eleazar sa 2022 elections.

Tutal naman ay retirado na si PNP chief nitong November 13 habang ang deadline sa substitution sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) ay sa November 15.

Samakatuwid, makakahabol pa siya sa substitution process, kung magdesisyon siyang sumabak sa politiko.

May tatlong malalaking pangalan ngang umugong kamakailan na sasabak sa Senado kabilang dito sina Raffy Tulfo, Willie Revillame at usap-usapan ay isa rito si Gen. Eleazar.

Sayang kasi ang mga nasimulan ni General na reporma sa PNP.

Naniniwala akong para maituloy ang reporma sa PNP ay kailangan gawin ito sa pamamagitan ng legislation.

Marami pa rin kasing pasaway kasi sa PNP. Bukod riyan ay masipag at magaling si Gen Eleazar. Makatao pa. Minsan nga, nang magalit siya sa isang pulis, pinaalalahanan niya ito na we are public servants. Kung gaano ka istrikto si Gen Eleazar sa mga tiwaling pulis, ganyan kabait naman siya sa mababait at magagaling na pulis.

Katunayan, marami na siyang nabigyan ng award na magagaling na pulis.

Sakaling magdesisyon si General Eleazar na sumabak sa Senado naniniwala ako marami itong magagawa kumpara dyan sa mga tatakbong pabalik-balik na pero nagbubutas lang ng upuan at puro pansariling interes ang sinusulong.

Sa pamilya ni PNP Chief ay may isang politiko at ito ay si Tagkawayan, Quezon mayor Carlo Eleazar kaya mukhang mahirap awatin dahil nasa dugon na ang pagseserbisyo sa bayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.