Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mas takmau, mabilis : Pacquiao yakang idemolis si Ugas

0 175

Liyamado si challenger Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao kay World Boxing Association super welterweight Yordenis Ugas ng Cuba sa kanilang 12-round title fight sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada sa Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa ‘Pinas).

Para ito sa kilalang veteran American boxing coach at commentator Theodore ‘Teddy’ Atlas Jr. kahit mas matangkad ang Cuban (5-foot-9) kesa sa Pinoy ring icon (5-5 1/2), at mas bata una (35) sa huli (42).

Unang idinahilan ni Atlas, 65, na mas mautak at mas mabilis naman ang mga kamay ng Pambansang Kamao na lagi ring agresibo sa ibabaw ng ring.

SM food to go Banner Ad

“Manny’s hands are real fast .. they are some of the fasters hands maybe in the history of the sport. For me, Manny should be too fast, too busy, too smart, and too good and will win by unanimous decision. He ‘ ll outwork the fighter in Ugas, “bulalas ni Atlas sa The Fight Miyerkoles (Huwebes sa Maynila).

Hinirit pa niyang wala sa bokabularyo ni Ugas na umatake sa bakbakan lalo’t batikan ito sa pagiging counter puncher kahit nang mag-bronze medal sa 2008 Biejing Olympics.

“Ugas is a counterpuncher, I thought he won the (American Shawn) Porter fight … but he was outworked by Porter. Ugas is the kind of guy you can outwork him. He’s a decent counterpuncher and a pretty good body puncher. But he’s not a guy who could put up big punch numbers.” (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.