Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mas Testing patok sa It’s Showtime

0 179

Kinakagigiliwan ng mga manonood ngayon ang pinakabagong segment ng “It’s Showtime” na “Mas Testing” .Bukod sa katatawanan at good vibes ay handog din nito ang papremyong cash para sa online viewers na live na nakatutok sa programa.

Patok sa viewers ang “Mas Testing” kung saan hinuhulaan ng isang host o nakatalagang “tumpak tracer” kung sino sa dalawang PUT o “persons under testing” ang mas lamang sa iba’t ibang test base sa obserbasyon at personal na detalye nila.

Sa bawat tamang hula ng “tumpak tracer,” mamamahagi ang “It’s Showtime” ng P3,000 sa madlang people na live na nanonood online. Kailangan lang nilang mag-post ng komento sa Facebook o Twitter gamit ang opisyal na hashtag ng palabas sa bawat araw.

Kapag hindi naman ito nahulaan nang tama, may kaakibat na parusa o “fun-ishment” ang “tumpak tracer.” Ganadong ganado ang hosts na gawin ang mga nakakatuwang parusa na ito kaya naman kinatutuwaan ito ng madlang people at libo-libong views ang nakukuha sa YouTube.

Mula Lunes hanggang Sabado, napapanood tuwing tanghali ang buong pamilya ng “It’s Showtime” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment pati na “It’s Showtime” Facebook at YouTube.

“Kaya nakaka-miss ang Showtime e. Masaya talaga sila panoorin. Sana makabalik na agad kayo sa TV. Malungkot talaga ang buong araw kasi walang mga Kapamilya show. Pero maghihintay kami Kapamilya hanggang sa inyong pagbabalik,” sabi ni Princess Marvhie Amescua sa YouTube.

“They still have so much fun. You see? You might have killed their station for now but not the happiness they have with each other. Something we can call ‘clean fun,” komento naman ni Lavina Ampit.

“Isa ito sa pinakamagandang segment ng Showtime ngayon, nakakatawa,” post ni Jess Licuanan.

“Good vibes talaga kapag pinapanood namin. Nakakatanggal ng stress. Thank you Department of Happiness,” sabi ni @JoyceAnneConde2.

SM food to go Banner Ad

ABS-CBN Studio Tours, Store, Studio Experience babu na

Tuluyan nang ititigil ngayong Agosto 31 ang operasyon ng Studio Tours, ABS-CBN Store, Hado Pilipinas, Heroes Burger, at ABS-CBN Studio Experience na nagbigay pagkakataon sa libo-libong manonood na maranasang maging bahagi ng iba’t ibang programa ng ABS-CBN.

Kasama ito sa mga serbisyo sa pamilyang Pilipino na apektado matapos tanggihan ng Kongreso na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN noong Hulyo 10.

Isa ang Studio Tours sa in-demand service sa loob ng ABS-CBN compound na nagsimula noong 1997 at ngayon ay tuluyang titigil na sa operasyon. Sa loob ng mahigit dalawang dekada, nagsagawa ito ng educational tours . Ipinapasyal din ng ABS-CBN tour guides ang mga manonood sa loob ng studios kung saan nasisilip nila ang mga eksklusibong eksena sa produksyon ng iba’t ibang programa ng network.

Magsasara na ang ABS-CBN Store na naghatid ng saya sa Kapamilya fans sa mga nagdaang taon dahil sa iba’t ibang program, celebrity at network merchandise nito, kabilang na ang popular na ABS-CBN Christmas Station ID shirts.

Tuluyan na rin ang pagsasara ng kaisa-isang studio city sa bansa na matatagpuan as TriNoma, ang ABS-CBN Studio Experience, pagkatapos ng dalawang taon ng paghahatid-saya sa pamilyang Pilipino. Tampok sa indoor theme park ang iba’t ibang physical attactions at digital innovations, tulad na lamang ng It’s Showtime Directors’ Booth, Pinoy Big Brother: Breakout, Minute To Win It: The Experience, The Voice: Open Mic, at Kapamilya Theater.

Nagsimula rin dalawang taon pa lang ang nakakalipas at ngayon ay magsasara na ang Heroes Burger na isang organic chargrilled burger joint.

Hindi na rin magpapatuloy ang Hado Pilipinas pagkatapos ng isang taon ng pagpapakilala sa techno sport hango sa Japan. Naging bahagi ito ng NCAA 95th Season kung saan ang nagwaging team mula sa College of St. Benilde (CSB) ang kumatawan sa bansa sa 2019 Hado World Cup na ginanap sa Tokyo.

Mahigpit na yakap sa mga mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.