Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Masaker ng 3 nursing student: 3 laborer, 1 pa POI

0 140

Apat na person of interest (POI) ang tinukoy ng pulisya sa karumal-dumal na pagpatay sa nursing student at dalawang nursing graduate sa Caloocan.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) chief Ronnie Ylagan ang mga POI na sina Anselmo Singcol, Adonis Singcol, Alden Singcol, pawang mga construction worker, at Dingding Sarmiento.

Si Anselmo umano ang stay-in sa construction, pero nawala ito matapos mangyari ang krimen, habang sina Alden at Adonis, na kamag-anak ni Anselmo, ay nagtungo sa pulisya upang magbigay ng kanilang pahayag kaugnay sa nangyaring pananaksak sa mga biktima.

Ayon kay Ylagan, nasisante na umano si Sarmiento sa construction site, dalawang linggo na ang nakakaraan at kasalukuyan itong nainirahan sa Cavite, handa rin umano ito na magbigay ng kanyang pahayag.

Natagpuan ang kitchen knife at floor mat na may marka ng dugo sa barracks ni Anselmo, na siyang pokus ng imbestigasyon.

Matatandaan na noong Linggo nadiskubre ang mga labi ni Arjay Belencio, 22, nursing student, at nina Glydyl Belonio, 28, at Mona Habibolla, 22, kapwa nursing gradute sa loob ng kanilang ginagawang bahay sa Amparo Subdivision, at tadtad ng saksak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.