Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Masakit ang balakang…Sign of aging ba?

0 80

Karamihan sa atin, kapag may nararamdaman, agad agad iniisip na tumatanda na dahil ito ang pinakamadaling pagbintangan. Kadalasan ay hindi na ipinapakonsulta dahil natural at karaniwan lang na mararamdaman ang pananakit. Kaya rin ito ay hinahayaan na lang at tinitiis. Gaya ng mga nagtanong sa atin itong mga nakalipas na ilang araw. Sa isang aspeto ay mayroon talagang basehan na manakit dahil sa pagtanda. Degenerative diseases ang tawag dito. Ngunit iisa lamang at maaaring madami pang ibang dahilan. Ang masama ay kapag mapabayaan ay maaaring lumala ang nararamdaman at magkaroon pa ng mga ilang kumplikasyon.

Gawin nating halimbawa ang pananakit ng likod. Iba-iba ang pwedeng sanhi nito, ngunit pareparehong pananakit ng likod ang mararamdam. Mahalaga ang maeksamin dahil sa 4 ang posibilidad ng mga causes nito. Pwedeng sa muscle, sa buto, sa spinal cord, o puedeng problema sa bato o kidneys, maaaring may uti (cystitis at pyelonephritis). O di kaya may problema sa apdo dahil may mga bato dito (cholelithiasis). Nalalaman kung ano ang pinanggagalingan sa pamamagitan ng mga tests tulad ng urinalysis, ultrasound, o ct scans. Kung spinal cord naman ang apektado, maaaring hindi lang pananakit sa likod ang maramdaman. Nadadamay din ang pige, hita, pati binti at paa. Pwedeng makaramdam ng pananakit , pati na panghihina at pamamanhid. Maaaring makumpirma sa pamamagitan ng MRI o magnetic resonance imaging at pwede din ang EMG-NCV (electromyogram-nerve conduction velocity test).

Kung buto naman ang nadadamay, pwedeng dahil sa pagtanda kaya degenerative osteoarthritis. Ngunit pwede din may basag o lihis dahil sa aksidente. Nagkakaroon ng compression fractures at spondylolisthesis. Kung minsan wala naman aksidente ngunit nangyayari pa din ang mga ito dahil sa osteoporosis. Dito mainam ang xrays at kung kinakailangan, ang bone mineral densitomety o central DEXA, para makita ang kalidad ng mga buto. Hindi sapat makita ang hugis, kailangan din malaman kung maayos ang estado nito at hindi mag mistulang ampaw na madaling mabasag at bumigay.

Ngunit sa kadalasan, ang sanhi ng sakit ay ang muscles ng likod. Karaniwan ito lalo na sa mga nagtatrabaho mapalabas o work from home at pati na din sa mga nagaaral. Dalawang aspeto ang maaaring mangyari dito. Naroon ang napwersa o nabigla dahil sa hindi sanay sa mga gawaing pinipilit gawin o hindi naggagagalaw dahil nakapako sa pwesto. Maaari din namang nasobrahan sa mga dating mga gawain at hindi binibigyan ng pagkakataon makapag pahinga at maka recover sa mga ginagawa na pang araw araw. Fatigue ang tawag dito. Mahalaga ang tinatawag na setting at lakas o strength ng mga muscles, lalo na sa likod. Nakukuha ito sa pamamagitan lamang ng mga ehersisyo at physical therapy.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung nakaramdam ng pananakit, agad ipahinga. Huwag munang pagbintangan na tumatanda agad. Kadalasan ay gumaganda ang kundisyon kinabukasan. Ngunit, kung hindi mawala o di kaya lumala pa sa mga susunod na araw ay ipatingin na ng malaman ang mga posibilidad na pinaggalingan. Sana ay matugis ito nang manumbalik ng mas mabilis sa mga pangaraw araw na kilos at galaw.

Hanggang sa susunod na Huwebes! Stay Healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.