Abante Tonite Interactive

Masakit ang tibak

721

Magandang araw sa inyo mga klasmeyt, bumisita ba kayo sa Fiestag nitong nakaraan? May nabili ba kayong pang-materyales o nanalo sa mga raffle?

Pero sigurado naman na hindi kayo umuwing luhaan dahil may mga ipinamimigay naman du’n at sigurado nasulit ang entrance fee n’yo.

***

Dumalaw na naman tayo sa sabungan nakaraan, madami akong nakitang inilaban na ang lalaki ng tibak. Alam n’yo mga klasmeyt, huwag natin ismolin ang tibak. Ma­laking bagay ‘yan at lugi ka na agad kahit hindi pa nagsasalpukan.

Mga kasabong, ram­dam ng manok natin ang tibak, masakit din para sa kanila ito kaya kadalasan ay hindi sila makapalo nang maayos at hindi rin madiin dahil masakit ang kanilang paa.

Sa mga napanood ko, lahat ng may tibak liyamado sa parada pero agawan ang mga wais sa paguhan kaya kontra barata at walang nanalo kahit isa sa mga may tibak.

***

Nagpahayag ng pagsali sina Nick Castelo Gabaon at Donn Cruz sa nalalapit na 2018 World PitMasters Cup Masters Breeder­s Edition 9-Stag International Derby na ilalarga sa susunod na buwan. Ang entry name nila ay NCG Bandido Novo Ecijano.