Abante Tonite Interactive

Masakit ba ang iyong likod?

By
2,239

Isa sa kadalasang iniinda ay ang pananakit ng likod at balakang. Partikular itong idinadaing ng mga bugbog sa trabaho at kalimitang inaatake nito’y ang mga taong nakatuntong na sa edad 40 pataas.

Ilan sa dahilan ng pana­nakit ng likod ay ang sumusunod: Sobra sa timbang Pagbubuhat ng sobrang mabigat Maling posisyon sa pagtulog Sobrang tagal o maling pag-upo Mababawasan ang pananakit ng likod sa pamamagitan ng pagpapayat sa mga sobra sa timbang. Tamang pag-eehersisyo at pag-upo nang diretso.

Huwag magbuhat ng mabibigat at iwasang maglakad o umupo nang matagal.

Mainam din kung ang tulugan o kutson ay katamtamang lambot lamang. Makakatulong din ang warm compress o paglalagay ng mainit sa nananakit na parte ng likod. Huwag na huwag padadagan nang sobrang bigat ang likod, sa halip ay magpamasahe nang dahan-dahan o bahagya lamang na ipahaplos para lumuwag ang muscle.

Sakaling tuloy-tuloy ang pananakit sa loob ng dalawang linggo ay huwag nang magdalawang-isip pang magpakonsulta sa orthopedic surgeon o rheumatologist.