Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Masakit magpa-swab test – Petecio

0 490

Matapos sumalang sa coronavirus swab testing sa PhilSports Complex sa Pasig City noong Miyerkole, idinitalye ni 2019 International Boxing Association (AIBA) women’s featherweight champion Nesthy Petecio ang kanyang naging karanasan.

Katulad ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at newly appointed officer-in-charge Ramon Fernandez, nagpa-swab test rin ang ilang national boxers at coach.

Kwento ni Petecio sa kanyang Instagram post kahapon, “Pinaiyak muna talaga ako tsaka picture..Medyo masakit lang ‘yung tipong tinamaan ka ng uppercut sa sikmura mapapa-oh cr*p! ka talaga” panapos na hirit ng 28-anyos at tubong Sta. Cruz, Davao del Sur na boksingera. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.