Abante Tonite Interactive

Masakit na tuhod, masamang tiyan wala ‘yan kay Embiid!

476

Buong postseason na binabagabag ng nana-nakit na kaliwang tuhod si Joel Embiid, bago ang Game 6 ng Eastern Conference finals nitong Huwebes ay masama pa ang tiyan.

Pero naglaro ang Cameroonian dahil na-nganganib masipa ang Philadelphia 76ers.

Ang resulta: 12-101 win ng Philadelphia, martsa ang Sixers sa Game 7 sa Toronto sa Lunes (araw sa Manila).

Dinomina ni Embiid ang laro kahit dumating ang first points niya sa 3-pointer sa kaagahan ng second quarter. Nagsumite siya ng 17 points at 12 rebounds. Mula sa field ay 5 of 14, dalawang 3s, 2 blocks at 1 steal. Tumagal ng 35 minutes, may 5 turnovers.

Hinayaan ni Embiid na umatake sa opensa sina Jimmy Butler at Ben Simmons, pero hi-git sa stat line ang kontribusyon ng 7-footer sa panalo. Mas dominante ang kanyang depensa.

Dalawa ang inaako sa pick-and-rolls, sumusugod sa shooters. Diniyeta niya sa 7 points si Marc Gasol. Sa isang play, binutata ni Embiid ang drive ni Kawhi Leonard.

Minsang nagpapahinga si Embiid sa bench, kumana ng 12-0 run ang Raptors para ibaba sa pito ang hinahabol. Pagbalik ni Embiid, balik din sa laro ang Sixers.

Kaya lang, natawagan ng flagrant foul 1 si Embiid nang tamaan si Gasol sa mukha. Isa pang F1 sa playoffs, awtomatikong suspendido ng isang laro ang big man. May tatlong flagrant na siya sa postseason.

“It’s annoying, it’s stupid,” singhal ni Embiid. “I saw the video of it. It doesn’t look that bad. I guess I’ve got one more and I’m gone for one game so I’ve got to look out for it.” (VE)