Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Masama ba ang bawang sa aso?

0 424

Dear FURRever FURReinds:

Isa sa mga concern natin, bilang Furparent ay ang nutrition ng ating mga doggies. May mga ilang pagkain na mainam para sa atin, pero masama pala para sa kanila. Halimbawa – ang sibuyas, tsokolate, buto ng mansanas, ubas, abukado atbp., ay masasama para sa ating mga aso.

Pero mayroong isang malaking misconception tungkol sa BAWANG. Ayon sa ilang articles sa internet, nakalalason daw ito sa mga aso.

Ngunit ayon sa research ng Dog Cancer Blog, HEALTHY ANG BAWANG PARA SA MGA FURBABIES NATIN! Ang rekomendasyon ng blog ay paminsan-minsan, bigyan natin ng small amounts of fresh garlic ang ating mga alaga.

Ayon kay Dr. Amber Drake, isang dog behaviorist, nagsimula ang kotrobersyang ito sa isang experimento na kung saan pinilit ang mga ilang aso na kumain ng sobrang daming bawang. Siyempre naman po, kung pinakain mo ang isang hayop ng isang bandehadong bawang ay makakasama ito sa kanya.

Pero iginigiit ni Dr. Demian Dressler, isang dalubhasa sa canine cancer, huwag tayong matakot na bigyan ng bawang ang mga aso natin. Ayon sa kanya, ang tamang dami ng bawang ay kalahating butil kada 20 pounds. Ibig sabihin, kung 50 pounds ang aso mo, maari mo siyang bigyan ng isa’t kalahating butil ng bawang sa kanyang dogfood. Pero kung mas mababa sa 20 lbs si doggy, huwag po kayong sosobra sa kalahating butil.

Mga benepisyo ng bawang sa aso:

Ayon sa Dog Cancer Survival Guide na inakda ni Dr. Dressler, ang bawang ay nakakatulong mag-boost ng immune system, may anti-tumor effect, nakakabawas ng blood clots at kolesterol, panlaban sa mga impeksyon, maganda para sa liver detox at may anti-cancer effect sa mga canines!

Maliban sa mga nabanggit na benepisyo, ang bawang ay magandang source ng zinc, potassium, phospohorus at mga bitmina.

Pero may babala si Dr. Dressler. Kapag nasobrahan ng bawang ang aso, maari itong maging sanhi ng problema sa red blood cells o dugo ng alaga niyo. Kaya hinay-hinay lang po sa pagpapakain ng bawang sa kanila.

Paano mag-prepare ng bawang para sa aso:

Tanggalin muna ang balat at durugin o i-chop ito. Pagkatapos, maghintay kayo ng 10-15 minutes para ‘makapagpahinga’ ang bawang. Ito po ang sikreto para lumabas maximum health benefits nito! Pag ‘well-rested’ na ang bawang, maari na itong idagdag nang hilaw sa pagkain ni doggy.

Paalala: Huwag po gumamit ng bottled garlic na galing sa grocery; sariwang bawang lang po ang gamitin natin!

Photo credits: Chris Benson at Anshu A

Pawfectly yours,

Joyce

Leave A Reply

Your email address will not be published.