Abante Tonite Interactive

Masama ba mag-masturbate ng madalas

1,436

Dear Dra. Holmes:

Puwede po bang magtanong kasi nahihirapan na ako maghanap ng sagot satanong ko po. sana maka-reply ka posa tanong ko. 27 yrs old na po ako at madalas po akong nag-jajakol nagsimu­la ako nu’ng 16yrs old ako madalas araw-araw ako nag-jajakol hanggang na-addict na sa panunuod ng porn at sabay jakol hanggang ngayon hindi ko mapigilan magjakol pero nu’ng nakikipagtalikna ako eh ‘di siya tumayo or tumigas talaga at panga­lawang talik ko eh hindi pa rin tumigas. ano po ba ang problema sa akin bakit po ganu’n? tapos kung mag-jajakol po ako eh hindi na siya tumitigas. tumatayo siya kaso malambot.’di kagaya dati na ang tigas ‘pag nag-jajakol ako. bago langpo nangyari ito sa akin nu’ng 26yrs old ako…ano po ba ito? Santi.

Dear Santi:

Related Posts

Maraming Salamat sasulat mo. Mayroon na akong iilang mga kliyenteng lalaki na nakipagkonsultasa akin dahil sa problemang ito. Aaminin ko. Hindi ako nakakasigurado na ang mga dahilan na hindi na tumitigas ang ari mo ay pareho sa mga dahilan nila. Kung gusto mo, sulatan mo nanaman ako kung tila iba ang nangyayari saiyo, ok, Santi? Pero kung halos pareho ang mga sitwasyon ninyo, inaasahan ko na makakatu­long rin ito, kagaya nang naitulong ko sa ibang mga lalaki.

Ang pagmamasturbate ng madalas – kung ‘yan lang ang ginagawa mo – ay hindi sapat para hindi ka na tigasan. Ang ibigkong sabihin sa “kung ‘yan lang ang ginagawa mo” ay walang porn, at walang special na paghahawak (halimbawa, masyadong malakas ang hawak ng kamay mosa ari mo na hindi ka­yang gawin ng ari ng babae). Kapag ganu’n, na ang pagma-masturbate mo lang ang problema, ok lang mag-masturbate ng madalas.

Pero iba na ang usapan kapag na pasok ang pano­nood ng porn. To Be Continued…
***
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa TONITE tuwing Sabado at Linggo at Abante tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes.