Abante Tonite Interactive

Masasayang alaala sa Star City

0 215

Dear Abante Tonite:

Kamakailan lamang nasunog ang pinakapaborito kong pasyalan noong ako’y bata pa, ang Star City. Marami siguro ang aayon sa akin na isa ang Star City sa bumuo ng kanyang kabataan. Maraming masasayang alaala ang nabuo roon kasama ang aking pamilya.

Noong lumaki naman at nagkaisip na’y kasama ko naman pumunta roon ang mga kaibigan ko upang magsaya at bumalik sa pagkabata kahit sa ilang sandali lamang. Marami ang nalungkot sa nangyaring sunog. Tila isang bahagi ng kanilang kabataan ang nawala dahil sa pagkasunog ng Star City.

Nalulungkot din ako para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa sunog. Iniisip ko rin ang mga bata na nagnanais pumunta sa Star City ngayon taon sapagkat mukhang matatagalan pa bago mabuksan muli ang Star City. Nawa’y magbukas ulit ang amusement park at makapagsaya muli ang marami roon.

Brenda Castro