Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Masayang Nutrisyon

0 87

Sa huling linggo ng buwan ng Hulyo, ang buwan ng nutrisyon, sana ay hindi lang natin pansinin ang kahalagahan ng nutrisyon dahil sa pagbibigay alam sa atin ng ating mga doktor at health care workers. Sa kampanya nila para sa pagkain ng wasto at maiwasan ang malnutrisyon at ang mga kumplikasyon nito. Hindi dapat malungkot kung iisipin ang healthy living at pagkain ng wasto. Ang mga sumusunod ay mga pamamaraan kung paano natin pasayahin ang ating pagkain para sa wastong nutrisyon.

Pansinin ang pagkain habang kumakain. Ito ay inihain upang tayo ay makakain ng mabuti. Bigyan natin ng kahalagahan ito. Itabi muna ang mga cellphones, tablets at gadgets. Mas maganda kung papansinin din natin ang mga kasabayan nating kumakain.

Kumain ng prutas. Isang magandang sanayin ay maglagay ng isang bowl nito sa gitna ng hapag kainan ng maengganyong kumain dahil napapansin ito.

Bigyan ng pagkakataon ang gulay. Alam natin madami ang ayaw kumain nito. Baka naman sa ibang paghain o luto ay manibago ang tingin at panlasa. Malay natin, baka maging paborito pa ito.

Gawing regular sa isang araw ng linggo ang walang karne. Ito ay para mapilitan kumain ng gulay. Madami din ang mga pinaggagalingan ng protina maliban sa karne, tulad ng beans, tokwa, at quinoa.

Mag enroll sa isang cooking class. Baka mas gumanda ang kain kung makikita kung paano ito magawa, maluto, at mailapag ng maayos sa plato. Magkakaroon pa ng pagkakataon na mabawasan ang taba, calories, pati na ang gamit sa asin, para mas healthy.

Gamitin ang Pinggang Pinoy. Kalahati ng plato ay gulay, ang kalahati naman ay ang lean meat at whole grains. Isang sipat makikita ang portions o bahagi at dami ng makakain, balanced pa.

SM food to go Banner Ad

Mas maganda kung may kasamang kumain. Mag aya ng makakasabayan para makapag enjoy ang pagkain at mag de-stress pa. Gawing prayoridad ang pagkain ng hapunan kasama ang pamilya.

Magtanim sa bahay. Uso na ngayon ang indoor gardens. Aaaring magtanong sa baranggay kung paano simulan ito. Maaaring itanim ang parsley, basil, mint, cilantro, pati na onion leeks, na magagamit sa pagluto.

Dalawin ang palengke o di kaya ang mga urban farms kung nasa syudad. Ito ay para makita natin ang mga preskong ingredients at para malaman ang itsura nito bago lutuin at kainin.

Gamitin ang paboritong water bottle. Mahalaga ang uminom ng madaming tubig. Kung gusto ang lalagyan, maya’t maya ay titingnan, makakaengganyong uminom at hindi magiging dehydrated.

Kahit snacks ay gawing healthy. Imbes na bumili ng pagkain, magbaon ng masustansyang homemade na snack. Pwede ang mga whole grain na sandwich, o di kaya mga vegetable sticks.

Kung maayos ang pagkain, pwede din naman gantimpalaan ang sarili sa isang sweet treat. Bigyan ng break ng maisantabi ang pagiintindi.
Hindi dapat perwisyo ang pagkain ng tama. sana makatulong ang mga ito sa pagiging healthy.

Hanggang sa susunod ! Keep healthy! Stay safe! Sundin ang minimum health requirements! Magpabooster!
J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at channel 23 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing sabado 715am) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.