Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Masbate tumba sa 6.6 quake

0 172

Naramdaman sa Masbate ang malakas na paglindol kahapon ng umaga na nag-iwan ng isang naawi, at sugatan na umakyat sa 36 at pagkasira ng ilang imprastraktura sa lalawigan.

Naitala ang magnitude 6.6 pagyanig sa bayan ng Cataingan, alas-8:03 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Kinilalang ang nasawi na si retired Police Senior Superintendent Gilbert Sauro na naipit sa gumuhong bahay sa Sitio Alimango sa Brgy. Concepcion.

Sa mga larawang kuha matapos ang sakuna, kita ang malubhang epekto ng lindol sa mga kabahayang nawasak at maging sa mga kalsada na nabiyak. Nawalan din ng kuryente ang bayan ng Cataingan, Placer, Pio V Corpus at Esperanza dahil sa mga tumagilid na poste ng kuryente.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa Masbate Electric Coop. Inc., inaksyonan na nila ang pagsasaayos sa mga ito.

Samantala, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na handa ang pamahalaan sa mga ganitong pangyayari. Aniya, “Pagdating sa ayuda ‘wag kayong mag-alala. ‘Yang mga pagkain, blankets (at) resettlement areas, lahat po ‘yan naka-preposition na ‘yan at sanay na sanay na tayo na magbigay ng ganyang tulong sa ating mga kababayan.”

Nang matanong kung bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing probinsya, sinabi ni Roque na, “Siguradong-sigurado ako na gusto ni Presidente na pumunta at siguro makipag-away pa yan sa PSG (Presidential Security Group) kung talaga siya ay pipigilan. Pero bahala na po magdesisyon ang PSG at ang Presidente.”

Samantala, kasunod ng paglindol patuloy na binabantayan ng Phivolcs ang Taal at Kanlaon Volcano na naglabas ng usok kahapon, kasabay pa ng Bulusan, at Mayon Volcano na pawang mga nasa Alert Level 1. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.