Abante Tonite Interactive

Mascariñas 2 ang bet sa Qatar World 3×3

177

Hangad makatuntong sa unang pagdaraos ng mas mabilis na mga laro sa 3×3, binasbasan ni sports patron Ronald Mascariñas ng Chooks-to-Go ang dalawang national team na ipadala sa World Tour Masters sa Doha, Qatar sa Abnril 18-19.

Magbabalik ang Pilipinas sa unang pagkakataon sapul noong 2015 sa FIBA 3×3 World Tour Masters kung saan dalawang koponan ang magdadala ng bandila ng bansa upang makapuntos at makasulong 2020 Tokyo Olympics.

Ang mga team ay ang Pasig Grindhouse Kings na magiging Pasig Chooks sa World Tour, na nasungkit ang kanilang silya sa global meet sa pagkakampeon sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup.

At ang 1Bataan Risers na tatawaging Balanga Chooks sa Doha meet, tapos pumangalawa sa Chooks-to-Go 3X3 Asia Pacific Super Quest.

Asam ng dalawang koponan na mapataas pa ang FIBA 3×3 points ng Pilipinas upang umangat mula sa kinalalagyang 32nd place sa world ranking.

“To start the year, we were just 49th in the world, sobrang layo to even qualify in an Olympic Qualifying Tournament,” bulalas ni Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league owner Mascariñas. “I’m happy to say that as of yesterday, we are number 32 in the world!

“We have a huge task at hand. And that is to conquer the World Tour after missing it for the last four years. We know that this entails a lot of sacrifice for you since lalaban kayo ng Holy Week. But always remember, ang laban na ito ay para sa bayan, you are fighting for our country,” panapos niya.

Bubuo sa Pasig sina Joshua Munzon at Taylor Statham. Kasama sina Serbian import Nikola Pavlovic at French reinforcement Angelo Tsagarakis, habang sina Alvin Pasaol, Leonard Santillan, Karl Dehesa, at Travis Franklin ang nmasa Balanga. (Lito Oredo)