Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mascarinas, Chooks solid sa VisMin Cup

0 221

Mananatiling title sponsor ang Chooks-to-Go sa puno ng kontrobersiya ngayon na Pilipinas VisMIn Cup.

Ito ang siniguro kagabi sa Abante Tonite ni Bounty Agro Ventures, Inc. (BAVI) President at General Manager Ronald Daniel Mascariñas matapos ang desisyon ng pamunuan ng liga na pansamantalang magpahinga ang pinakabagong propesyonal na liga ng basketball sa bansa.

“Yes, as partner of the league we will never abandon a beleaguered partner because of a problem. Situations like this comes with the package. They need us now more than ever. We are fully behind them in restoring the integrity of the league,” sabi ni Mascariñas.

“Too many livelihood depending on this fledgling league. Can’t turn our back on them,” sabi pa ni Mascariñas ukol sa kabubukas pa lamang na liga.

“It was resolved immediately the following day with the expulsion of Siquijor and suspension of players and coaches involved. Games was suspended for one day only and resumed yesterday. You still hear a lot of noise from various parties but we have to distinguish which voices are there to help and which one just adding to the noise without any solution offered on the table,” sabi pa nito.

Hindi inihayag ni Mascariñas ang kabuuang halaga na itinakda nito para maging title sponsor sa liga bagaman sinabi ng isang opisyales ng liga na tumataginting ng na “seven figures” ang sponsorship.

Inaksiyunan na ng liga at ng Games and Amusements Board (GAB) ang isyu hinggil sa sinasabing bentahan ng laro ng Siquijor kontra Lapu-Lapu City nitong Miyerkoles kaya siniguro ni Mascarinas na magsisilbi pa rin sila bilang sponsor ng palaro.

“All is well. They (league officials) acted swiftly and judiciously. Let us help restore the integrity of the league,” sey pa nito. (Lito Oredo & Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.