Abante Tonite Interactive

Mascariñas inakyat ang 2 PH 3×3 squad sa world ranking

321

Nagpatuloy ang pag-angat ng Pilipinas sa International Basketball Federation 3X3 world rankings bunsod sa masasabi pa ring tagumpay na kampanya ng Pasig Chooks at Balanga Chooks sa 2019 FIBA 3X3 World Tour Masters nitong Huwebes at Biyernes sa Doha, Qatar.

Mula sa dating ika-32 puwesto tapos ng Chooks-to-Go 3×3 Asia Pacific Super Quest, umakyat ang Pilipinas sa 31st sa 1,806,820 points dahil sa paglahok ng dalawang PH team sa Doha level 10 event.

“We are elated with this development but the work is far from over,” pahayag nitong Linggo ni Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascariñas. “We at Chooks-to-Go will continue to do our part in helping promote 3×3 basketball, develop our players, and join the tournaments sanctioned by FIBA.”

Dahil sa 5th place finish sa Doha, umangat din ang Pasig Chooks mula No. 51 sa world tungo sa No. 27.

Napasok sa matinding grouping sa pool play, tinalo ng Pasig ang home team Katara, 21-14, bago ginimbal ang dating world no. 1, nahulog ngayon sa no. 2 Liman ng Serbia, 19-16.

Nabigo sa quarters ang Pasig sa nagkampeong Riga Ghetto Latvia, na nanatili sa No. 3, 15-21. Sunod na sasalihan ng koponan ang Kunshan Challenger sa Mayo 1- 19 sa Chengdu.

Naunahan naman sa individual rankings ni Taylor Statham si Joshua Munzon bilang top 3×3 basketball player ng bansa sa nalikom ng 6-6 forward na 349,080 pts at malagak na 114th sa world kumpara kay Munzon na sa 338,520 markers dausdos sa 121st.

Nakapasok naman si Alvin Pasaol ng Bataan sa top 150 sa pagsakop sa 148th sa 308,680.puntos at si Leonard Santillan ang kumupleto sa mga Pinoy sa FIBA rankings sa top 250 sa 221st slot.

Inihayag naman ng namamahala sa torneo para sa National Team pool, na giniit ng FIBA na tanging tanging ang top 10 players sa bawat bansa ang papayagang bumuo sa isang koponan na isasabak sa 2020 Tokyo Summer Olympics.(Lito Oredo)