Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mascariñas: Ituloy ang VisMin Cup

0 217

Umaasa si Bounty Agro Ventures Inc. President at Chief Executive Officer Ronald Daniel Mascariñas na irerekonsidera ng Games and Amusements Board (GAB) ang pagsuspinde sa Mindanao leg sa May ng 1st Pilipinas VisMin Super Cup 2021.

“The purpose of justice in sports is to protect the love of the game, our players, our fans, and our patrons. Ultimately, because of its powerful impact, for good or ill, on the moral fiber of society, it is to protect ourselves. This cannot be served by curing a wrong with another wrong, especially when it is a bigger wrong. Let us hope GAB reconsiders its decision,” bulalas Lunes ng opisyal .

Ipinahayag nitong Linggo ni GAB chairman Abraham Kahlil Mitra ang pagtigil sa Mindanao leg sa May kasabay sa re-evaluation sa pro league dahil sa kontrobersya sa nakalipas na Miyerkoles na may alegasyong game fixing.

Hinirit ni Mascariñas na siya ring nagtataguyod sa liga, na ang pagsuspinde sa susunod na leg ay nangangahulugang guilty na rin sa GAB ang Mindanao teams kahit mga hindi pa nakakalaro. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.