Abante Tonite Interactive

Maselang operasyon sa senior citizen naudlot dahil walang anesthesia

0 314

BUBWIT NI DEO
DEO MACALMA

Nakakainit ng ulo ang sablay na trabaho ng isang ospital ng gobyerno sa Quezon City, sablay na puwedeng ikahimatay ng kaanak ng pasyente dahil sa sama ng loob sa mga doktor at hospital staff.

Ayon sa aking bubwit, isang 78-anyos na ginang na taga-Rizal Pro­vince ang naka-schedule na operahan sa mala­king ospital sa Quezon City dahil sa subdural hematoma noong Huwebes, Aug. 8.

Isang oras nang nasa operating room ang pasyenteng si lola Consuelo nang biglang lumabas ang isang staff, pinuntahan ang pamilya ng pasyente, at sinabing naubusan pala sila ng anesthesia.

Nagulat siyempre ang pamilya sa narinig nila, nagulat na isang malaking ospital, institusyon ay malulusutan ng sablay na naubusan ng anesthesia.

Pero dahil ‘yun ang sitwasyon ng mga sandaling ‘yun eh inu­nawa na lang ng pamilya at nag-move on. Isang miyembro ng pamilya ang nagmamadaling tumakbo sa pharmacy ng ospital para bumili ng kailangang anesthesia pero laking gulat nang sabihang out of stock sila ng anesthesia. Tsk tsk.

Sa bandang huli ay kinailangang luma­bas ng ospital ang kaanak ng pasyente para maghanap ng anes­thesia, isang bagay na hindi mo iisiping mangyayari sa malaki at prestihiyosong ospital.

Ayon sa aking bubwit, sa sobrang sama ng loob ng isang anak ng pasyente ay muntik niyang ginawa ang bilin ni Pang. Duterte na gumawa ng eksena o kaya’y manampal sa loob mismo ng palpak na opisina ng gobyerno at kung inutil o corrupt ang kausap na empleyado o opisyal.

May instruction din ang Presidente sa mga opisina ng gobyerno na maging efficient sa serbisyo publiko. Sensitibo ang subdural hematoma o operasyon sa utak kaya nakakainis na biglang itinigil ang procedure dahil hindi agad nadiskubre at nadiskartehan ng mga doktor at ng staff na wala silang anesthesia.

Ang sablay na ospital ay Phil. Heart Center sa East. Ave., Quezon City. PHC Director Joel Abanilla pakiayos naman ang ganitong problema.