Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Masigasig kahit hindi nakaupo

0 64

Wala ng isang taon ay eleksiyon na naman.

Kaya kahit pandemya ay hindi maiiwasang makakita tayo ng mga politikong aligaga na sa pangangampanya.

Sabagay kailangan nila itong gawin lalo na kong lilitaw-lulubog ang drama nila sa kanilang nasasakupan.

Kung hindi sila consistent sa pagtupad sa kanilang tungkulin ay hindi na nakapagtatakang magkandaugaga sila sa pagpapabango sa kanilang puntiryang lugar.

Maraming ganyang politiko. Matapos iboto ay pabalik-balik na lang sa ibang bansa at kukuyakuyakoy.

Magpapakita lang kung may malaking event o may malaking personalidad na dadayo sa kanilang lugar.

Ang mga ganitong klaseng politiko ang dapat nating ibasura.

Sa mga kababayan natin, matuto na tayong mamili ng ating iboboto.

Piliin ang mga karapat-dapat. Mga politikong naglilikod manalo o matalo sa puwesto, hindi iyong nagpaparamdam lang tuwing malapit na ang halalan.

Hindi naman natin nilalahat ang mga politikong bago mag-eleksiyon lang masigasig sa pagpapakita sa kanilang mga kababayan dahil mayroon ding mga politikong hindi man pinalad na maluklok sa puwesto ay tuloy ang kanilang paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan.

Ang katotohanan mas aktibo pa sila sa pagtulong at paglunsad ng mga programang mag-aangat sa buhay ng kanilang mga kababayan.

Makikita natin ang kanilang mga social media. Hindi natin sasabihing papansin sila pero ito lang ang tanging paraan para mabilis nilang maipaabot ang kanilang tulong sa kanilang mga nasasakupan.

Ilan sa madalas kong makita sa social media na walang puknat ang tulong ay ang mag-asawang Jennie at Ricky Sandoval ng Malabon.

Tuwang-tuwa ako sa mag-asawang ito na lahat na yata ng okasyon ay may paandar para sa kanilang mga kababayan.

Hindi lang pala sa mga okasyon dahil madalas ko ring masilip ang ginagawa nilang pagtulong sa mga kababayan nilang sinasalanta ng kalamidad.

Hindi man kasi naluklok ay katuwang sila ng gobyernong Duterte sa paghahatid ng tulong sa mga taga-Malabon.

Well maganda rin naman kasi ang kanilang ugnayan sa administrasyong Duterte kaya hindi naisasantabi ang Malabon sa mga tulong na ibinababa ng gobyerno.

Akala ko nga sila ang incumbent local officials dahil napakasipag tumulong, malayong-malayo sa mga nakapuwesto.

Mapapa sana all ka na lang talaga kapag may makikita kang ganitong galawan ng mga politiko pero hindi eh mas marami pa rin talaga ang kapangyarihan lang ang habol at hindi totoong pagseserbisyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.