Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Masiglang ekonomiya sa Maynila ibabalik ni Lopez

0 53

Dismayado ang mayoralty candidate sa Maynila na si Atty. Alex Lopez dahil sa kalagayang pangkabuhayan ng lungsod.

Si Lopez, panganay na anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez at pamangkin ni dating Manila 2nd District Rep. Jim Lopez, ay nagsabing pagdating sa income ay naunahan pa ng Quezon City, Makati at Pasig ang Maynila.

Aniya pa, dati’y itinuturing na Pearl of the Orient ang Maynila pero ngayon ay pangatlo na lang ito at may posibilidad na maging kulelat pa kung hindi maaagapan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ibalik natin ang tiwala ng mga negosyante sa City of Manila. ‘Yong tax at permits, ibaba na ‘yan. Padaliin na ‘yong city permits para hindi na pinahihirapan nila ang mga negosyante.”

Sa isang panayam, sinabi ni Lopez na ibababa niya ang tax at city permits para mapabilis ang proseso nito at mahikayat ang mga negosyanteng mamuhunan sa Maynila na makabubuti sa ekonomiya nito.

Ikinadismaya din ng abogado ang malaking pagkakautang ng lungsod na aniya’y mababayaran naman ngunit nagagastos sa mga hindi akmang prayoridad ang pondo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.