Abante Tonite Interactive

Maskaradong rider namaril ng driver

196

Patay ang isang 51-anyos na tricycle driver nang barilin ng dalawang lalaking maskarado na magkaangkas sa motorsiklo sa harapan ng isang eskuwelahan sa Sta. Ana, Maynila kamakalawa nang hapon.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, nakilala ang biktima na si Reynaldo Morales, residente ng naturang lugar, na nasawi dahil sa tama ng bala sa kanang mata.

Naganap umano ang pamamaril dakong alas-4:05 nang hapon sa harapan ng Villamor High School sa San Andres Bukid Extension.

Nabatid na namatay agad ang biktima matapos barilin at tamaan ng bala sa kanang mata.

Blangko pa ang mga awtoridad kung ano ang motibo ng pamamaril at sa pagkakakilanlan ng dalawang suspek lalo pa’t parehong nakamaskara nang umatake ang mga ito

Aminado naman umano ang mga kaanak ng biktima na dating gumagamit ito ng droga.