Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maski 10 taon pa, tapos na ako – Duterte

0 87

Tinuldukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga haka-haka ng posibleng pagpapalawig sa kanyang termino dahil sa binuhay na isyu ng Charter change (Cha-cha) o pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Metro Manila Skyway Stage 3 sa Quezon City nitong Huwebes, sinabi ng Pangulo na wala na siyang interes na mapalawig pa ang kanyang termino.

Kaya umano niya hiningi na maamyendahan ang Saligang Batas ay para walisin ang korapsiyon sa gobyerno at hindi para palawigin ang kanyang termino.

“`Yong hinihingi ko sa Congress akala nila term extension. My God, maski ibigay mo sa akin in silver platter, maski ibigay mo sa akin libre another ten years, sabihin ko sa iyo, p*@*@*@* mo iyo na lang `yan, tapos na ako!” sabi ng Pangulo.

Binuhay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Cha-Cha para baguhin umano ang mga probisyon sa Saligang Batas upang mabuksan ang ekonomiya. Umani naman ito ng batikos sa mga kritiko dahil wala umano sa panahon ngayong may pandemya at posibleng paraan umano ito para mapanatili sa puwesto ang Pangulo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.