Abante Tonite Interactive

Mason pisak sa bumagsak na pader

192

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang construction worker matapos madaganan ng gumuhong konkretong pader­ ng kanilang ginagawang pabahay­ sa Calamba City noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Danilo Swela, 59, residente ng Brgy. Kay-anlog at kantero sa isang housing project.

Sa report ng Calamba City police, alas-11:45 ng umaga, nagtatanggal na ng scaffolding ang mga trabahador sa kanilang natapos na pader kabilang ang biktima nang biglang gumuho ang precast wall na may taas na 10 feet.
Sinamang-palad na mabagsa­kan ang biktima na hindi na nakatakbo dahil sa biglaang pangyayari.

Sinusuri na rin ang precast wall at inaalam kung bakit bumigay ito sa kabila ng ilang araw na umano itong naitayo.

Isinugod pa ito sa ospital subalit idineklara na itong dead-on-arrival.
Nangako naman ang kontraktor ng proyekto na tutulungan ang pamilya ng biktima at sasagutin ang lahat ng gastusin. (Ronilo Dagos)