Abante Tonite Interactive

Mass deportation ng mga Chinese POGO nakaumang

527

Nakaumang ang ‘mass deportation’ laban sa mga Chinese national na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) kasunod ng isinagawang crackdown ng China government laban sa mga sangkot na citizen nila sa mga telecommunications-related crime.

Nabatid sa Bureau of Immigration (BI) na beberipikahin nila sa Chinese Embassy kung kinansela na ang pasaporte ng libong citizen na nagtatrabaho sa POGO dahil sa pagkakasangkot sa telecommunications fraud.

“This could lead to mass deportation,” ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval.

Nabatid na unang ibinulgar ng Chinese Embassy na nakakuha na sila ng listahan ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa POGO para mahuli ang mga sangkot sa online gambling at kidnapping.

Sinabi ni Sandoval na ang dayuhan na mayroong permit to work ay ikinukunsi­derang undocumented sa sandaling kanselahin ng kanilang gobyerno ang kanilang mga pasaporte. (Juliet de Loza-Cudia)