Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mass gathering pinayagan, may-ari ng Pasig arena binitbit

0 58

Binitbit ng mga awtoridad ang may-ari at caretaker ng sports arena matapos payagan ang 21 katao, kabi­lang ang dalawang menor-de-edad, na maglaro ng basketball sa Brgy. Ka­lawaan, Pasig City nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ni Pasig City Police chief P/Col. Roman Arugay ang mga inaresto na sina Ehmer Mendoza, 45, caretaker at residente ng AV Cruz St., Brgy, Kala­waan, at Albert Dy, may-ari ng Metro Asia Arena na matatagpuan sa Elisco Road, Brgy. Kalawaan, Pasig.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas-8:00 kamakalawa ng gabi nang arestuhin ang dalawa mata­pos maaktuhan ng mga operatiba ng Sub-Station 4 ang 21 na naglalaro ng basketball sa loob ng naturang sports arena.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang awtoridad hinggil sa umano’y basket­ball game na nagaganap sa sports are­na, na hindi pa pinapayagan dahil nasa ilalim pa ng modified lockdown ang Metro Manila hanggang Setyembre 7.

Agad dinakip ang may-ari at care­taker ng sports arena habang ang mga basketball player ay dinala naman sa ospital upang isailalim sa antigen test at matukoy kung mayroon sa kanilang nahawa sa COVID-19. (Dolly Cabre­za)

Leave A Reply

Your email address will not be published.