Abante Tonite Interactive

Mass shooting sa New Zealand naka-FB live, 49 patay

506

Nakilala na ang gunman sa nangyaring pamamaril sa dalawang mosque sa New Zealand Biyernes nang hapon.

Tinukoy si Brenton Tarrant, isang Australian national, bilang pangunahing suspek sa pamamaril ng mga nagdarasal sa dala­wang mosque sa nasabing bansa. Nakilala si Tarrant matapos lumabas sa Facebook ang live video ng ginawang pamamaril.

Bukod pa umano sa video, kumalat din sa social media ang 74-pahinang manifesto na pinaniniwalaang sinulat ni Tarrant at naglalaman ng pagpaplano at motibo nito sa pamamaril. Aniya, dahil ito sa pagtuligsa niya sa mga immigrant na inilarawan nito bilang grupo na kumukuha ng lupa ng kanyang mamamayan.

Bukod kay Tarrant, nadakip pa ng mga awtoridad ang dalawa pang lalaki at isang babae, na hindi pa kinilala at inihaha­yag ang koneksiyon sa itinutu­ring na terrorism attack, na kumitil sa 49 buhay at ikinasugat ng higit sa 20.