Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mass testing sa COVID-19 pinalalarga

0 146

Kinakalampag na ni Senador Risa Hontiveros ang National Task Force Against COVID-19 para itatag ang isang official mass testing system sa bansa matapos ihayag ni testing czar Vince Dizon na dadagdagan nila ang testing capacity ng gobyerno laban sa coronavirus.

Ayon kay Hontiveros, kailangang maging alerto ang NTF at hindi dapat nahuhuli sa pagkilos nito.

“This is what happened when we didn’t close our borders the first time, and again, when we failed to close them as the new variants started to spread. Ngayon, sisisihin natin ang variants at mutations para lang pagtakpan ang mga pagkukulang natin? Any public health expert will tell you that if the virus had been contained, walang magaganap na mutation,” sabi ni Hontiveros.

“We need a ‘prevention mindset’ para hindi na tayo laging natataranta. Nalulunod na tayo sa iba’t ibang krisis. This is yet another example of gross mismanagement. Bakit ngayon lang naisipang pakinggan ‘yong recommendation? I really hope no one is profiting from this,” dagdag pa ng senador.

Dahil nahuhuli aniya sa pagkilos ang mga awtoridad kung kaya naghahabol tayo ngayon sa pagsasagawa ng COVID-19 test.

Para kay Hontiveros, kailangan ng bansa ang “official and national mass testing system” para mas marami ang maisailalim sa pagsusuri.

Sa ngayon aniya, nasa 13 test lang ang nagagawa natin na malayo kung ikukumpara sa 111 test sa Thailand at 1,000 test per case sa Vietnam.

“Habang sa kanila, bumababa ang cases, dito sa atin, sa unang step pa lang, missing link na agad. The first step to making any good decision is mass testing, but we aren’t even doing nearly enough to make the rest of the steps— contact tracing and isolation— fully effective,” ayon kay Hontiveros.

Leave A Reply

Your email address will not be published.