Abante Tonite Interactive

Mass testing sinimulan sa Negros Occidental

341

Nagpakalat na ang pamahalaang panlalawigan ng Negros Occidental ng mga health worker para kumuha ng swab sample mula sa mga person under investigation (PUI) sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa iba’t ibang siyudad at bayan ng kanilang probinsya.

Nabatid na mula sa 70 PUI 36 ang nakatakdang isailalim sa COVID-19 testing sa Huwebes, ayon sa datos ng Provincial Incident Management Team (PIMT) Command Center.

“To ensure the awareness, cooperation and safety of everyone, please be advised that province-wide testing has started today. Do not be alarmed if health care workers donning public attire for taking swabs are seen in your area,” ayon sa public advisory ng PIMT.

Ayon kay Alfredo Benitez, miyembro ng PIMT, mayroong 300 testing kit ang Negros Occidental na galing sa Department of Health.

Nagbukas rin ang pamahalaang panlalawigan ng quarantine center sa bayan ng E.B. Magalona para sa mga PUI na mayroong mild symptom ng COVID-19. Matatagpuan ang pasilidad sa Brgy. Santo Niño at mayroon itong 120 bed capacity. (Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad