Abante Tonite Interactive

Mass testing tinulak ng mga Pinoy scientist

561

Nanawagan sa gobyerno ang grupo ng mag Filipino scientist para magsagawa ng mass testing upang maagap na masugpo ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ng grupong Scientists Unite Against COVID-19 na gumagawa sila ng database ng laboratories na may qPCR machines, na magagamit sa pagproseso ng coronavirus samples.

Nabatid na ang alyansa na kinaaniban ng may 1,000 biologists, health experts, at iba pang mga concerned na individuals kasama ang halos 336 organizations sa Pilipinas ay naglunsad ng petisyon para manawagan sa national government na simulan na ang mass testing.

Nabatid na ang petisyon ay inilabas noong Marso 20 ng grupong Scientists Unite Against COVID-19 .

Ito ay upang mabigyan ang gobyerno ng maliwanag na basehan kung gaano na kalawak ang infections sa bansa at matuhunan nila ito ng tama.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagdating ng mga donasyon at biniling mga testing kit kung saan kahapon dumating na ang may 100,000 COVID-19 testing kits mula sa China bukod pa sa bumubuhos na donasyon mula South Korea, Singapore at ang patuloy na produksyon ng mga UP testing kit. (Juliet de Loza-Cudia)