Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mass wedding aprub sa DILG

0 164

Pinapayagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga idaraos na mass wedding sa gitna ng pandemya pero dapat umanong tiyakin na sumusunod ang mga ito sa health protocol.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kinakailangang 30 porsiyento lamang ang dadalong mga kapamilya at kaibigan, depende sa kapasidad ng nirentahang venue.

Dapat din umanong may physical distancing, naka-face mask at face shield ang groom at bride, maging ang mga panauhin. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.