Abante Tonite Interactive

UP MassComm student, 5 NPA nahuli sa Negros

By
852

Anim na kasapi ng teroristang grupong New People’s Army (NPA) na kinabibilangan ng dalawang menor-de-edad at isang University of the Philippines (UP)-Cebu student ang naaresto matapos ang halos isang oras na engkuwentro sa Negros Oriental.

Base sa report, nagsagawa ng security patrol ang mga tauhan ng 2nd Infantry (Unifier) Battalion, 3rd Infantry (Spearhead) Division ng Philippine Army sa bulubunduking bahagi ng Mabinay at Manjuyud, nang maka-engkwentro nila ang tinatayang 20 ­armadong pinaniniwalaang miyembro ng NPA.

Una nang nakatanggap ng reklamo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP tungkol sa umano’y harassment at extortion activities na ginagawa ng NPA sa mga sibilyan sa nasabing mga lugar.

Sa pagdating ng militar sa Sitio Tumonon sa nasabing barangay, naka-engkuwentro umano nila ang mga armadong NPA.

Makalipas ang halos isang oras, humupa rin ang labanan at naaresto ang dalawang armadong menor-de-edad na umano’y mula sa Negros Oriental at Negros Occidental at isang mass communication student ng UP-Cebu sa anim na nadakip.
Tumanggi pang kilalanin ang mga naarestong NPA habang isinasailalim sa interogasyon. (Betchai Julian)