Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Master sa e-sabong nadagit

0 56

Arestado ang isang 31-anyos na umanoy e-sabong master agent sa isinagawang operasyon ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police sa Pasig City, ayon sa ulat kahapon.

Hindi pinangalanan ni PNP-ACG Director Brig Gen. Bowenn Joey Masauding ang suspek sa kanyang statement na naaresto nitong Martes sa Barangay Pinagbuihatan, Pasig City.

Sa imbestigasyon, nakatanggap ng ulat ang PNP-ACG hinggil sa pag-iikot ng suspek sa Barangay Pinagbuhatan at naghahanap ng mga mananaya sa umano’y online sabong, ang suspek umano ang nagre-register sa isang application sa cellphone upang makakuha ng access sa e-sabong.

Agad namang nagtungo ang operatiba sa lugar upang ma-validate ang ulat at doon ay inabot nila ang suspek kaya nagpanggap ang isa sa kanila na mananaya hanggang sa arestuhin ng mga tauhan ng PNP-ACG ang suspek.

Nakumpiska dito ang isang unit ng cellphone na gamit nito sa pag-register ng mga mananaya. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.