Abante Tonite Interactive

Masuwerteng pagkain sa Chinese New Year

By
195

julius-segovia

Malaki ang naging impluwensiya sa atin ng mga Tsino. Isa na rito ang pakikiisa ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Nagsisimula ang Bagong Taon ng mga Tsino kung anong petsa lilitaw ang new moon sa pagitan ng January 21 hanggang February 20. Ngayong taon, February 5 ang Chinese New Year — ang pagsisimula rin ng Year of the Pig.

Taon-taon nang naging tradisyon ang paghahanda ng mga pagkaing nakakaakit daw ng suwerte. Kaya ang mga Pinoy, nahumaling na rin sa okasyong itinuturing na pinakasikat sa buong mundo.

Sa isang panayam sa telebisyon, nagbahagi ang feng shui expert na si Johnson Chua ng 5 lucky food na hindi raw dapat mawala sa hapag ng mga Chinese tuwing Bagong Taon.

Una na rito ang pansit na sumisimbolo raw sa long life. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi nawawala sa mga birthday party ang pansit.

Related Posts

Dapat present din daw sa handaan ang isda. Sumisimbolo raw ito ng abundance. Kaya kapag may isda sa hapag, sure raw na tuluy-tuloy ang daloy ng suwerte.

Taliwas naman sa paniniwala ng ilan, suwerte rin daw ang paghahanda ng manok tuwing Chinese New Year.

Ayon kay Chua, hindi raw totoo ang ka­sabihang ‘isang kahig, isang tuka’ ang pamil­ya kapag manok ang inihanda sa Bagong Taon. Katunayan, good opportunity raw ang hatid ng manok. Kaya kung papansinin, fried chicken din daw ang numero unong pagkaing iniaalok sa mga fastfood chain.

Hindi rin daw dapat mawala sa handaan ang mga malalagkit na pagkain gaya ng tikoy at buchi. Para sa pamilya, it means togetherness. Hindi raw matitibag ang sama­han kapag may ganito sa hapag. Sumisimbolo rin daw ito ng harmony at balance.

At siyempre, su­werte ang mga prutas na bilog na ang kahulugan daw ay pera.

Ang sa akin lang, hindi naman masamang maniwala sa mga pampasuwerte. Pero dapat din nating tandaan na wala tayong mararating sa buhay kung hindi ito sasaba­yan ng sipag at tiyaga.