Abante Tonite Interactive

Masuwerteng tsibog sa Chinese New Year

214

Kung Hei Fat Choi!

Marahil sa lahat ng salitang Chinese, ito ang pinakagamitin ng mga Pinoy, maitutu­ring rin kasing kabilang tayo sa selebrasyon ng kanilang bagong taon, at ngayong marami sa atin ang walang pasok sa opisina isama sa inyong bucket list na pasyalan ito.

First timer ka man o taon-taon nang pumupunta rito, heto ang Chinese New Year Binondo trip guide para sa ‘yo.

***

Nakatatak na sa kasaysayan ang Binondo, dahil dito matatagpuan ang pinakamatandang Chinatown sa buong mundo. Itinatag noong 1594, ang nasabing distrito rin ang sentro ng negosyo sa Maynila, na karamihan ay Pilipino-Chinese ang nagmamay-ari.

Magsisimula ang iyong biyaheng Binondo Chinatown sa pagdaan mo sa pamosong Jones bridge.

Unang sasalubong ang pinakamalaking Chinatown arch sa buong mundo, ang Filipino-Chinese Friendship Arch na nasa Quintin Paredes Road.

Deretsuhin lamang ang Quintin Paredes road at kumanan sa Ongpin Street makikita mo ang Binondo Church, na kilala rin bilang Minor Basilica o National Shrine of St. Lorenzo Ruiz.

Dito pa lamang, makikita na ang mayamang kasaysayan ng distrito, sa simbahan kasing ito nagsilbi bilang sakristan ang unang Pilipinong santo na si San Lorenzo Ruiz bago mapunta sa Japan para magtago sa tulong ng mga paring Dominicano dahil sa pag-akusa sa kanya na nakapatay ng Espanyol.

Saan magpa-park sa Binondo? Kung hindi maiiwasan na magdala ng sasakyan puwede mo itong iwan sa pay parking ng Lucky Chinatown Mall, o sa maliliit na parking area sa gilid ng Binondo Church.