Abante Tonite Interactive

Masyadong kang bilib sa sarili — Tugade

846

Poe: Tugade palitan

Dapat umanong palitan na si Sec. Arthur Tugade bilang pinuno ng Department of Transportation (DOTr) dahil sa pagkabigo itong tugunan ang problema sa trapik sa bansa, partikular sa Metro Manila.

“When it comes to traffic and when it comes to dealing with solution for the traffic mess, I think somebody else should take his place,” pahayag ni Poe sa panayam sa ANC kahapon.

Ikinumpara pa ni Poe si Tugade si dating Department of Transportation and Communications (DOTC) sec. Emilio Jun Abaya, na ayon sa kanya’y siyang dahilan ng pagbagsak ni dating President Benigno Aquino III sa hindi pagbibigay ng epektibong transportation service.

Ayon kay Poe, chair ng Senate public services committee, dapat umanong makita ni Pangulong Rodrigo Duterte kung epektibo si Tugade sa kanyang trabaho kahit na buo ang tiwala nito sa kanya.

Samantala, bilang reaksiyon, nilinaw ng DOTr na hindi nila mandato ang lutasin ang problema sa trapik.

“Sus, masyadong bilib sa sarili. Pati ba naman posisyon ko pakikialaman niya? I serve only at the pleasure of the President. Not subject to whims, caprice and theatrics of misguided politicians,” sabi pa ni Tugade. (Prince Golez/Dindo Matining)