Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Masyadong minadali ang MVIS

0 58

Tiyak na maraming nahimasmasan nang ihayag ng Malacanang na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag gawing mandatory o sapilitan ang Motor Vehicle Inspection System (MVIS).

Nangangahulugan ito na hindi magkakaroon ng karagdagang singil sa pagpaparehistro ng mga sasakyan. Magandang balita dahil kahit papaano’y makakabawas ito gastos ng mga motorista.

Tama naman ang desisyon ng gobyerno dahil sa panahon ngayon dapat lang na balansehin ng pinagdaanan ng taumbayan sa gitna ng pandemya na hindi natin alam kung kelan pa matatapos.

Noong unang pumutok ang isyu ng MVIS at private motor vehicle inspection center o PMVICS, maraming umangal dahil madodoble ang ibabayad sa vehicle registration na bawat vehicle owner.

Kaya naman hindi ito pinalagpas ng mga senador at nagpatawag pa ng pagdinig ang Senate public services committee sa pangunguna ni Senadora Grace Poe para talakayin ang reklamo ng nakararama hinggi sa isyung ito.

Sa pagdinig ng Senado, medyo “highly suspicious” ang mga senador sa Department of Transportation (DOTr) sa pagsapribado ng vehicle inspection program. Prone daw kasi ito sa korapsyon.

And take note, sa pagsasapribado nito, imbes na ang gobyerno ang kikita ng P8 bilyon kada taon eh sa pribadong sektor mapupunta. Biruin mo ang bawat private operator ay magbababayad na annual fee na P100,000.

Parang napakaliit pero mas malaki ang kikitain nila [PMVICs] dito. Mas kikita pa nga ang pribadong sektor kesa gobyerno. Hindi ata tama.

Sa hindi pa nakakaalam, ang PMVICs ay pinapayagan ng DOTr-LTO na mangolekta ng inspection fee na P1,800 sa motor vehicle na may bigay na 4,5000 kilogram or less at dagdag ng P900 sakaling pumalya ito sa unang set ng inspection.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, sa motorcycle and tricycle naman, P600 ang singil sa inspection fee P300 para sa reinspection fee.

Kung pumalya sa test ang sasakyan, reqired silang mag-undergo na kinakailangang repoar at kailangang bumalik sa private inspection center para magpa-inspeksiyon muli.

Kung makalusot na ito sa inspection [finally] doon pa lang ito papayagang makapagparehistro sa LTO. Diyan pa lang gagastos ka na agad na malaki hindi pa kasama yung babayaran mo talaga sa pagpaparehistro.

Kumbaga, lumaki pa ang gastos mo ngayon sa pagpaparehistro unlike dati na P500 ang binabayad mo sa emission test at P2,600 plus sa registration. Sumatutal P3,000 plus lang ang ibinabayad mo.

Buti na lang naglabas ang desisyon ang Palasyo hinggil dito, hindi na mandatory dahil kung itinuloy ‘yan dagdag pasakit iyan sa mga vehicle owner lalo na ngayong maliit o kulang ang kinikita dahil sa epekto pa rin na pandemya.

Ang problema kasi sa DOTr-LTO masyado nilang minadali ang pagpapatupad nitong MVIS. Ni wala nga itong legal basis sabi ng mga senador talaga itinulak nilang suspendihin muna ito at muling pag-aralan.

Sana naisip ng mga ahensiyang ito sa panahon itong dapat isaalang-alang ang kapakanan ng nakakarami lalo na’t hikahos pa rin ang lahat dahil sa epekto ng pandemya.

Maganda naman ang intensiyon ng initiative na ito pero nakakabahala na wala sa timing ang pagpapatupad, sa panahon kung saan hirap na hirap ang ating mga kababayan dahil sa pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.