Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Masyon ni Viceral walang laman

0 124

NI:Vinia Vivar

Hit na hit ang part 2 ng You Tube vlog ni Vice Ganda na house tour ng kanyang bagong ipinagawang bahay. May titulong “My New Valurs,” in-upload niya ito noong Oct. 14 and in just three days ay umabot na agad sa 3 million ang views nito. As of yesterday ay nasa 3.4M na to be exact.

Ang part 1 naman ay in-upload niya last week and as of now ay umaabot na sa 4.9 million ang views.

Kaya naman masayang-masaya si Vice dahil kasabay nito ay umabot na rin ng 3M ang kanyang subscribers sa You Tube.

“3Million subscribers on Youtube. 3Milliom views in 3 days. 3 Days No.1 Trending Video. My New Valurs Tour (House Tour) PART 2,” ang post ni Vice sa kanyang Instagram.

Makikita sa 2 parts ng video na hindi pa kumpletong tapos ang mansion pero talaga namang napakaganda at napakalaki. Paliwanag niya ay nabili niya ang property 5 o 6 years ago at binili niya raw ito para sa lolo niya.

“Nun’g namatay ang lolo ko, sobra ‘kong na-sad, nawalan ako ng ganang ipatayo siya. Tumengga siya ng ilang taon,” kwento ni Vice.

Pero maganda raw talaga ‘yung property at pinayuhan din daw siya ng iba na huwag itong ibenta kaya pinatayuan niya ng bahay. Tatlong taon din daw bago natapos ang house at lilipat na daw siya last March kaso ay nagkaroon ng pandemic kaya hindi natuloy.

Ngayong medyo maluwag na ay nagbabalak na raw siyang lumipat pero wala raw magaganap na malaking house warming dahil nga bawal.

“So kami-kami lang, pa-blessing, pabasbas lang. We are so excited to move in very soon,” aniya.

Makikitang wala pang laman ang mansion pero ipinapa-deliver na niya unti-unti ang mga bagong gamit. He explained na industrial daw ang style ng nasabing new house.

Ipinakita ni Vice ang pinakamalaking parte ng kanyang bahay which is walk-in-closet na mas malaki pa raw sa master’s bedroom.

“This is my favorite part, this is the walk-in closet. Ito ang pinakamalaking area sa bahay, mas malaki pa sa master’s bedroom. Lalagyan ng gowns, gowns and gowns. Lalagyan ng shoes, shoes and shoes,” she said.

Makikita ring may elevator ang loob ng kanyang bahay na para raw sa kanyang ina para hindi na ito nahihirapang umakyat pag pupunta ito sa kanyang bahay.

Mayroon din siyang dumbwaiter na basically ay elevator ng food at mula sa baba ay didiretso raw ang food sa kanyang kwarto.

Nangako si Vice na kapag may laman na at naayos na ang kanyang bahay ay ipapakita niya ulit ito via another house tour.

Leave A Reply

Your email address will not be published.