Abante Tonite Interactive

Mata inukit bago sinalvage

394

Iniluwa ng Estero De Sunog Apog ang isang matandang lalaki na tinanggalan ng mata at hinihinalang biktima ng summary execution kahapon nang umaga malapit sa Del Fiero Bridge, Gagalangin, Tondo, Maynila.

Inilarawan ni PCpl Mark Daniel De Guzman ng Manila Police District-homicide section ang ‘di nakilalang biktima na nasa edad 50-60, 5’-5’3” ang taas, kalbo, may manipis na buhok, maputi, naka-maroon T-shirt, gray na pantalon at kapansin-pansin na tinanggalan ng kaliwang mata at may sugat sa noo.

Alas-6:30 nang umaga nang mamataan ng isang 13-anyos na mangangalakal ang lumulutang na bangkay.

Agad itong ipinaalam sa barangay tanod na si Ruben Gonzales, na siyang nag-ahon kung saan nasa Archangel Funeral Homes ito ngayon para sa awtopsiya at safekeeping. (Juliet de Loza-Cudia)