Abante Tonite Interactive

Mata ng ostrich mas malaki sa utak

313

Alam n’yo ba na ang dila ng tao ay mayroong unique print katulad ng finger print.

***

Ang salitang ‘DREAMT’ ay ang nag-iisang english word na nagtatapos sa letrang ‘MT’.

***

Ang mata ng ostrich ay mas malaki ang sukat kumpara sa kanyang utak. Kahit maliit ang utak, kabilang sila sa mga malalaking uri ng ibon na tumitimbang mula 140 hanggang 290 lbs. Malapit na iniuugnay sa dinosaurs ang ostrich at halos kaparehas ng T-Rex.

***

Bukod tanging ang pating ang isdang kumukurap ang mata. Ka­tulad ng tao, ang pating ay may mga matang ka­yang makita ang malala­yong bagay at nakakaaninag ng kulay.

Mas sensi­tibo rin ng sampung ulit sa liwanag ang mata ng pa­ting kumpara sa tao.

***

Ang stripe sa katawan ng tigre ay mala­king tulong upang hindi sila makita ng kanilang mga biktima. Kapag nagtatago sila sa mga matataas na damo, nagmumukha itong parang anino kapag tinatamaan ng liwanag ng buwan.

Pati ang balat ng tig­re ay may stripe. Katulad ng fingerprints ng tao, ang stripe ng tigre ay unique at magkakaiba ang pattern.

***

Ang bawat isang tai­nga ng pusa ay binubuo ng 32 muscles upang mapagalaw niya sa iba’t ibang direksyon. Dahil dito, nagagawa ng isang pusang mapagalaw sa isang direksyon ang kanyang katawan samantalang nasa ibang gawi naman nakaturo ang kanyang tainga.

***

Ang sea otter ay matatagpuan sa baybayin ng Pacific Ocean, sila ang itinuturing na may pinakamakapal na balahibo sa animal kingdom. Ang sea otter ay palaging makikitang magkahawak kamay habang kumakain at natutulog nang nakalutang sa dagat para hindi magkahiwalay. Ang sweet nila ‘di ba?