Abante Tonite Interactive

Mata sa Mata

By
8

May skin regimen tayo. May detox regimen at diet regimen din. Ang mga bagay na ito ay para sa pag-aalaga sa ating kalusugan. Sa kabila nito, tila wala tayong tiyak na regimen para sa ating mata na maitutu­ring na isa sa pinakamahala­gang bahagi ng ating katawan.

Walang kakurap-kurap ang mga sumusunod na simple tips sa pag-aalaga ng ating mga mata.

Ayon sa National Eye Institute (NEI-NIH) sa US, bukod sa carrots at kalabasa ay nakatutulong din ang pagkain ng mga berde at madahong gulay sa pagpapalusog ng ating mata. Dagdag pa rito, ang Omega-3 fatty acids na nakukuha sa mga isda gaya ng tuna ay iniulat ding may healthy benefits sa ating paningin.

Sa pagpili ng sunglasses, tiyaking ito ay may UV protection dahil ang exposure dito ng mga mata ay nagpapataas sa posibilidad ng pagkakaroon ng glaucoma at iba pang uri ng karamdaman.

Mas dalasan ang pagkurap o pagpikit-pikit ng mga mata lalo na kung babad sa computer.

Ang dry eyes ay masakit at uncomfortable sa pakiramdam. Nakatutulong ito nang malaki upang ma-moisturize ang mga mata sa pamamagitan ng luha sa loob nito.

Ang mundo ay maganda at makulay. Alagaan ang mga mata upang ma-enjoy ang alay nitong ‘feast for the eye’.