Abante Tonite Interactive

Mataas na Meralco bill ipaliwanag-ERC

0 573

Inutusan ng Energy Regulatory Commission ang Manila Electric Company na ipaliwanag ang ginagawa nitong paniningil sa mga customers habang umiiral pa ang enhanced community quarantine pati na ang mga ginamit nitong basehan sa pagkwenta ng mataas na singil nito sa kuryente.

Ayon kay ERC chair Agnes VST Devanadera, binabaha na ang ERC ng mga reklamo laban sa umano’y maling Meralco billing at kailangan itong tignan sa lalong madaling panahon. Inutos din ng ERC sa Meralco na isumite ang mga datos na ginamit nito sa pagkwenta ng billing para mapag-aralan ito ng komisyon.

“We have been bombarded with complaints on Meralco’s alleged high billings covering the past three months, including this May, and we need to look into these consumers’ allegations that we required Meralco to submit to us data or information for us to validate the accuracy of their billing calculations,” sabi ni Devanadera.

Sinulatan ng ERC ang Meralco noong May 15, 2020 at ipinasusumite nito ang mga dokumento tungkol sa pagkwenta nito ng bill, ang mga power bills na siningil dito ng mga suppliers, mga invoices ng National Grid Corp. of the Philippines, at iba pang mga ulat. Kailangang isumite ito ng Meralco sa loob ng limang araw pagkatanggap ng liham.

Tonite – Wendys Inhouse Ad