Abante Tonite Interactive

Mataas na multa sa mga sinungaling na testigo, lusot sa Senado

0 467

Sa botong 20 affirmative votes, inaprubahan na sa Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang isang panukala para sa mas mataas na parusa at multa sa kasong perjury o mga nagsisinungaling na testigo sa mga legislative inquiry.

Ipinanukala ng Senate Bill No. 1354 na amiyendahan ang Articles 183 at 184 ng Revised Penal Code kung saan papatawan na ng anim na taong pagkakakulong ang sinumang magsisinungaling mula sa dating dalawang taon at apat na buwan.

Sinumang public officer o employee na lalabag ay pagmumultahin ng P1 milyon at mahaharap din sa disqualification para sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng Senate justice and human rights committee at sponsor ng panukala, ang reporma sa ilalim ng panukalang ito ay makakatulong para tugunan ang isyu ng mababang conviction rate para sa mga taong kinasuhan ng perjury.

“As we uncovered during our committee hearing, a factor for the low cases is the low penalty imposed on the crime of perjury,” sabi ni Gordon.

“The current penalty for perjury is subject to probation and the bail imposed is also low, roughly P6,000 only. Given the high costs involved in prosecuting a crime, there is no motivation to prosecute the crime of perjury,” saad pa nito.

Makakatulong din ang panukala para ma-discourage ang mga tao magsinungaling sa kanilang pagdalo sa mga legislative hearing na kahit na sila ay under oath.

“We must make a statement. They give false testimonies and hamper the administration of justice,” sabi ni Gordon.

“Perjury does not only damage the victim of the crime but also damages the administration of justice—which is the most important.

The law of perjury was created not only because the man lies or somebody lies, but because he practically impugns the time of the tribunals, hence, he damages the time and efforts of our people,” ayon pa sa senador.

Tonite – Wendys Inhouse Ad