Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matalas pa tuka ni Murray, Nuggets

0 68

Kung kelan inakala na laglag na ang tuka ng Denver, saka bumalikwas ang Nuggets.

Sinindihan ni Jamal Murray ang matinding fourth-quarter rally, tinapos ng clutch plays ni rookie Michael Porter Jr. sa stretch at napaypayan ang buhay ng Nuggets sa 111-105 come-from-behind win laban sa Clippers nitong Biyernes.

Idinikit ang West semis sa 3-2, isa pang milagro ang kailangan ng Nuggets para ibuhol ang series sa Game 6 ngayong araw at makapuwersa ng winner-take-all sa Miyerkoles.

Iwan din ang Denver 3-1 kontra Utah sa first round bago tinuhog ang sumunod na tatlong laro.

“We play the best when our backs are against the wall,” ani Murray. “It’s as simple as that.”

Inumpisahan ng Nuggets ang ahon sa kalagitnaan ng third quarter bago tinapakan ang silinyador sa fourth.

Umiskor si Murray ng team-high 26, nagsumite si Nikola Jokic ng 22 points, 14 rebounds at 5 assists. Naglista si Paul Millsap ng 17 points, 14 dito sa third.

Binitbit ng game-high 36 points ni Kawhi Leonard ang Los Angeles, may 26 si Paul George. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.