Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matamlay na pamahahala sa Quezon

0 149

Naalarma ang taga-Quezon dahil patuloy ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lalawigan nitong nakalipas ng mga buwan.

Kasi ba naman halos umabot na sa 600 ang nasawi sa lalawigan sapol nang tumamama ang pandemya noong nagdaang taon. Mukhang masyadong nag-relax ang liderato ng lalawigan dahil sa halip na mapigilan ang pag-spread ng cases eh lalo pang tumaas ito nitong nakalipas ng mga buwan.

Kaya tanong ng ating mga kababayan, ginagawa ba ng mga opisyal ng pamahalaang panglalawigan sa pangunguna ni Gov. Danilo Suarez ang lahat ng paraan para maprotektahan ang kanyang mga kababayan at mapigilan ang pagkalat nito?

Malamang na kumikilos naman ang liderato kaya lang mukhang kulang o hindi sapat dahil tumataas ang bilang kaso gayundin ang mga pumanaw sa sakit na ito. Sabagay, mismong si Gov. Suarez nga ay tinamaan ng virus noong Marso. At bakit siya tinamaan? Baka naman hindi nagsusuot ng mask habang nakikipagsalamuha sa kanyang mga constituents?

May mga kuwento kasi mula mula sa mga kasama nating sa media na may pagkakataon daw na hindi nagsusuot ng face mask ang gobernador kaya ayon, hindi siya nakaligtas.

Kung totoo yan, aba’y hindi magandang halimbawa. Tiyak na maraming maglalakas ng loob na hindi rin sila magsusuot dahil mismong ang kanilang gobernador ay ginagawa ito. Bad example ika nga.

Kung nakulangan man ang mga taga-Quezon sa mga opisyal ng pamahalaaang panglalawigan, buti na lamang ay masigasig ang iba pang mga opisyal sa pangunguna ng mga board members sa pagtulong sa mga nasasakupan nila.

SM food to go Banner Ad

Magandang halimbawa diyan si Lucena mayor Roderick Alcala na nagpakalat ng mahigit 600 niyang mga village marshals upang pagsabihan o kaya ay biglang disiplina ang COVID-19 protocol violators.

Panay-panay naman ang pagbigay tulong medical ni 4th district Congresswoman Helen Tan at nanawagan pa ito ng dagdag bakuna para sa lalawigan.

Noong June 9, labindalawang taga Quezon ang nalagutan ng hininga, biktima ng COVID-19. Sa loob lamang ng siyam na araw, limampung katao na sa Quezon ang namatay. Halos 30,000 ang nahawaan ng COVID-19 simula pa lamang ng Marso ngayong taon.

Sabi ni Ed Santos ng Quezon Rise Movement o QRM, dapat papanagutin na ang dapat papanagutin sa pagtuloy na malamya at matamlay na management ng COVID-19 cases sa probinsya.

Para kay Santos, hindi epektibo ang pamamahala ni Governor Suarez sa pandemya dahil nagkulang ito sa pagcoconduct ng massive tracing, isolation and medical care sa mga biktima ng COVID-19.

Kung ako naman kay Gov. Suarez, dapat maging masigasig pa rin siya dahil bilang ama ng Quezon, hindi puwedeng mag-relax dahil hindi pa tapos ang giyera kontra Covid-19. Huwag niyang pabayaan ang kanyang mga kababayan dahil bandang huli siya rin ang sisingin ng kanyang mga kababayan sa kanyang pagkukulang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.