Abante Tonite Interactive

Matanda na ako, lahat ng sakit nasa akin na — Duterte

366

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maganda na ang lagay ng kanyang kalusugan dahil na rin sa katandaan.

“Lahat ng sakit, nandito na sa‘kin kasi matanda na ako…Kung sabihin mo, ‘Okay ka ba Presidente? Are you in the best of health? Of course not. I am old, life has begun to take its toll on my health. At kung sabihin mong may sakit ako, meron. You name it I have it. Para wala na lang debate,” ­pahayag ng Pangulo sa eksklusibong panayam sa kanya ni Marisol Abdsurahman sa GMA News Balitanghali.

Matatandaang inihayag ng Pangulo na mayroon siyang Buerger’s disease na kanyang nakuha dahil sa paninigarilyo.

Una na ring inamin ng Pangulo na mayroon siyang neuromuscular ­disease o myasthenia gravis na nakakaapekto sa paggalaw ng kanyang mga mata, ­bukod pa sa sakit niya sa gulugod matapos maaksidente sa ­motorsiklo ­maraming taon na ang nakalipas. (Prince Golez)