Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matandang binata todas sa kidlat

0 206

Todas ang isang 54-anyos na binata matapos itong tamaan ng kidlat habang naglalakad sa Barangay Nagpatayan, Banna, Ilocos Norte, Linggo ng hapon.

Kinilala ng Banna Police Station (BPS) ang biktima na si Silvertre Q. Dulis, 42, magsasaka, ng nasabing barangay.

Sa imbestigaston, ayon sa BPS, nangyari ang insidente alas-5:50 ng hapon malapit sa bahay ng biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report ng pulisya, ayon na rin sa saksi, naglalakad umano ang biktima sa Barangay Nagpatayan habang umaambon nang biglang kumidlat at kumulog.

Tiyempong tinamaan ang biktima.

Agad itong isinugod sa ospital ngunit dead-on-arrival na ayon kay Dr. Remedios R. Peralta ng Regional Health Office. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.