Matandang dalaga, nag-suicide

HINIHINALANG dahil sa pinagdadaanang depresyon, nagbigti na lang ang isang matandang dalaga sa Alfonso, Cavite Biyernes ng umaga.
Tumanggi ang kamag-anak ng 46-anyos na biktima na sumailalim pa sa awtopsiya dahil naniniwala silang walang naganap na foul play sa pagkamatay nito.

Sa ulat ni Corporal Deverson Salinas ng Alfonso Police Station, alas-6:00 kamakalawa ng umaga nang madiskubreng nakabitin ang biktima sa kanilang kisame.
Ang dalaga ay dumadaan sa gamutan dahil sa depresyon. (Gene Adsuara)