Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Matapos 1 dekada, lolo na tinaga tiyahin nalambat

0 48

Pinosasan ang isang 75-taong gulang na lolo sa Malabon na 10 taon na nagtago sa batas, dahil sa pananaga sa kanyang tiyahin.

Sa bisa ng arrest warrant, inaresto ng Criminal Investigation Detection Group – Detection and Special Operations Division (CIDG-DSOD) ang suspek na kinilala lang na ‘Lolo Henry.’

Sinabi ni Police Colonel Redentor Ulsano ng CIDG-DSOD na si Henry ay may arrest warrant noong Enero 2012 pero nagtago ito sa Luzon.

Positibo naman na kinilala ang senior citizen ng mga saksi.

Hindi na nagsalita ang suspek sa media pero itinanggi nito ang krimen.

“Sabi niya, ‘Kakagising ko lang noong araw na ‘yun tapos ako napagbintangan’,” ani Ulsano.

Ang korte sa Antique ang magdedesis­yon sa sitwasyon ng suspek dahil isa na itong senior citizen. (Kiko Cueto/Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.