Abante Tonite Interactive

Matapos ikalat ang sex video, Koreano naglaslas ng pulso

665

Nagwala at naglaslas ng pulso ang isang Korean national habang isinasailalim ito sa inquest proceeding­ sa loob ng Justice Hall sa Caloocan City kahapon.

Nagpapagaling ngayon sa pagamutan si Kwak, 40, taga-Habart Village, Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City dahil sa tinamong sugat sa kanang pulso.

Sa ulat, dinala sa Caloocan City Judicial Hall sa 10th Avenue, Brgy. 15, Caloocan City ang dayuhan dakong alas-tres nang hapon para i-inquest sa kasong Anti-Voyeurism Law.

Inireklamo ang Koreano ng live-in partner niyang Pinay matapos nitong
ikalat sa social media ang kanilang sex video.

Papunta na sa Fiscal Office si Kwak kasama ang kanyang police escort nang bigla itong nagpapalag hanggang sa makawala.

Nakakuha ng basag na tiles ang Koreano saka nilaslas ang kanyang pulso.
Dahil sa walang tigil na pagdugo ng sugat ay ­parang batang nag-iiyak ang dayuhan kaya dinala ito sa pagamutan. (Orlan Linde)